| Kung Ikaw at Mag-aasawa |
|
|
|
|
Mag-aasawa, Ang piliin mo ay duling, Bumagyo ma't humangin, Sa 'yo pa rin nakatingin.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay mataba, Umulan ma't bumaha, Puwede mong gawing bangka.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay kirat, Kumulog ma't kumidlat, Palagi pa ring nakakindat.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay singkit, Maimbiyerna man o magalit, Kaniyang mata'y nakapikit.
(May dagdag pa...)
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo ay payat, Hindi halatang inaapi, Gutom man o puyat.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Ang piliin mo'y kuripot, Kahit sa panahon ng krisis, Pera'y napapaikot.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay tanga, Magunaw man ang mundo, Bale wala, naka-nganga.
Kung ikaw ay mag-aasawa, Piliin mo ay matanda, Kailan man mamatay, Mana mo'y nakahanda.
Powered by !JoomlaComment 3.26
3.26 Copyright (C) 2008 Compojoom.com / Copyright (C) 2007 Alain Georgette / Copyright (C) 2006 Frantisek Hliva. All rights reserved." |