Pinoy News

News Link

TV's & Radios

Tech Talk  
TV's, DVDs & Radio

Mostly Pinoy Channels
Mga iba't ibang selection dito sa Tate pero I added some other services worth mentioning.
Sa dami ng Tv & Radio plus video sources syempre it will take me some time to update it.

Kaya manigas ka muna dyan kung konti pa lang ang nailagay ko!


AOL Television
AOL And Warner Bros. Announce 'In2TV,' New Broadband Network On AOL.com, Delivering The Largest Offering Of Long-Form Television Programming Online. Thousands of Episodes from Welcome Back Kotter, Sisters, Beetlejuice, Lois & Clark,La Femme Nikita, Growing Pains and Many More to be Shown in Their Entirety,Free and On-Demand, With Interactive Quizzes, Games, Polls, and Contests.
read more..

Sa madaling salita, pwede ka na ngayong manood ng mga lumang episode ng mga shows like KUNG FU at Wonder Woman..LIBRE! Free! Gratis! lawa-yadba!

 

Mabuhay Channel

The Mabuhay Channel

Ok na sana itong pinoy network na ito. Lalo na noong bagong silang nag-bro-broadcast. Puro tagalog movies!  Saka maraming lumang Sampagita Pictures na black & white.

Kaso mo, October 2005, biglang nasira ang dating nila. Ewan ko kung anong nangyari sa programming nila.  I tried emailing them pero walang sagot.  Yung bayaw ko nga nag-cancel na ng subscription from DISH Network.

  Syanga pala, you can get this through the Dish Network.  Anyways, baka before the end of this month cancel ko na rin ang subscription ko.

---------------------------------------------------------------------------

Netflix

Online Video Rental.

-Update- *14Feb2006*

Just found out from the Netflix website that they are offering Tagalog DVD for rent! Okey! Hilong-talilong pa naman ako sa kakaisip kung paano ko mapapanood ang Pa-Siyam. Hassle na kasi kung mag-signup pa ako sa mga pinoy DVD online rentals eh konti lang ang selections. At least dito sa Netflix may English na may sankatutak na selection pa in the foreign genre.


 

If you ever rented video from Blockbuster you would know how they charge you with those late fees.  Well that's when Netflix came in. Walang late fees at saka you get to keep it for as long as you want pero jajo ka naman kung pauuto ka ang ganoon. Pagkapanood mo ng DVD na dumating-soli mo agad!

May free trial offer sila for how many weeks ata.  Yung ang time na nakakatuwa!  Dahil agad-agad silang nagpapadala ng kapalit pagka-soli mo ng DVD via mail.  Halos isang araw nga lang. 

Pero 'wag ka.  Pag matagal ka nang member doon mo mafi-feel na iniisahan ka na.  Sa umpisa mangagaling sa malapit na distribution center ang DVD para mabilis nga namang dumating.  Pero later on kung saan lupalop ng amerika na mang-gagaling ang DVD.

Ang ginawaga ko na lang doon ko sa pinakamalapit na distribution center ko pa rin pinapadala ang return mailer.  Pero mabagal na rin ang turn-around nila.

Anyone have a similar experience?